Hindi bibisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika dahil sa kanyang busy schedule.
Sa isang panayam sa Pangulo sa isang Russian television ay sinabi nitong masama ang kanyang loob sa nangyaring pakikialam di umano ng Amerika sa naging presidential campaign noong 2016 elections.
Dito ay ibinunyag din ng Pangulo ang kanyang takot na mapatay ng CIA o Central Intelligence Agency dahil sa kanyang pagsusulong na paalisin na ang US military troops dito sa bansa.
Sa kabila nito, iginiit ni Duterte na itinuturing pa rin niyang kaibigan si US President Donald Trump ngunit ipinaliwanag nito ang pagbabago sa foreign policy ng bansa mula sa nasabing western country patungo China at Russia.
By Rianne Briones
Pangulong Duterte hindi bibisita sa Amerika was last modified: May 24th, 2017 by DWIZ 882