Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na ungkatin pa ang usapin ng pagkapanalo ng Pilipinas sa arbitration nito laban sa China hinggil sa usapin ng Territorial Dispute sa West Philippine Sea.
Kasunod ito ng lumabas na draft chairman’s statement sa ASEAN Summit kung saan, hindi binanggit dito ang nasabing desisyon ng international court of arbitration sa the Hague, Netherlands.
Ayon sa pangulo, walang saysay kung uungkatin pa niya ang usapin lalo’t wala namang bansa na bumibitaw sa claims sa nasabing teritoryo.
Para sa Pangulo, malayo sa katotohanan ang usapin at wala naman iyong kinalaman sa ASEAN summit kaya’t mas makabubuti aniyang huwag na itong buksan pa.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping