Tinanggihan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagdalo sa Asean-US Special Summit na idaraos sa Washington DC sa Mayo 11 hanggang 13.
Paliwanag ng punong ehekutibo, hindi na magandang tingnan kung dadalo pa siya sa nasabing summit lalo’t malalaman na sa Mayo 9 ang hahalili sa kanya.
Sinabi pa ng pangulo na nangangamba siya para sa kanyang kaligtasan kung babiyahe siya patungo sa Estados Unidos.
Sinabi ng pangulo na inatasan niya na sina Executive Secretary Salvador Medialdea at Defense Secretary Delfin Lorenzana upang ipaabot ang kanyang naging desisyon.