Hindi na dapat mandamay ang Pangulong Rodrigo Duterte sa pagbibitiw nito sa puwesto.
Binigyang diin ito ni Magdalo Partylist Representative Gary Alejano matapos hamunin ng Pangulo sina Supreme Court Chief Justice Maria Lourdes Sereno at Ombudsman Conchita Carpio – Morales na sabay-sabay silang mag-resign.
Sinabi ni Alejano na sa halip na mandamay, dapat ay pangatawanan na lamang ng Pangulo ang aniya’y ipinagmamalaki nitong pagbibitiw sa puwesto.
Mas dapat aniyang mag-resign na ang Pangulo lalo na’t tumatanggi itong pumirma ng waiver para masilip ang mga bank accounts nito.