Hindi kinukunsinti ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga napaulat na kaso ng extra-judicial killings na may kaugnayan sa iligal na droga
Tugon ito ng Malakaniyang makaraang magpalabas ng pagkabahala ang Estados Unidos sa dumaraming bilang ng mga napapatay kasunod ng masidhing kampaniya ng pamahalaan
Ayon kay Presidential spokesman Ernesto Abella na batid ng Pangulo ang nasabing usapin kaya’t pinakikilos na nito ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan para magsiyasat
“However, in order to just clarify exactly where President Duterte is coming from he taking the position of parens patrie as parent of the nation he is calling attention to the clear and present danger of drugs and that it is his moral obligation to make sure that the public is properly warned of the drug menace it is part of his duty to warn the citizens against those who present a clear and present danger to society.” Bahagi ng pahayag ni Presidential spokesman Ernesto Abella
By: Jaymark Dagala / ( Reporter No. 23 ) Aileen Taliping