Hindi makakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa Association of Southeast Asian Nations o ASEAN Summit na gaganapin sa Jakarta, Indonesia sa Abril 24.
Gayunman tiniyak ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang pagdalo ng Department of Foreign Affairs sa nasabing mahalagang pulong ng ASEAN leaders para kumatawan sa Pangulo.
Sinabi ni Roque na nariyan pa rin ang banta ng COVID-19 na kailangan isaalang-alang sa mga ganitong pagtitipon.
Aniya hindi lamang si Pangulong Duterte ang hindi makakadalo sa asean leader’ summit kundi maging ang iba pang state leaders dahil sa banta ng COVID-19.
Posible namang talakayain sa asean summit ang nangyaring militarisasyon sa Myanmar.