Hindi makikialam si Pangulong Rodrigo Duterte sa gusot sa pagitan nina Social Welfare and Development Secretary Rolando Bautista at brodkaster na si Erwin Tulfo.
Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, personal na alitan ang namamagitan kina Bautista at Tulfo kaya ipauubaya na lamang ng pangulo sa dalawa ang pagresolba rito.
Aniya, hindi ugali ni Pangulong Duterte ang manghimasok sa away o hindi pagkakaunawaan ng dalawang indibiduwal o grupo.
Magugunitang, nagpalabas na ng pahayag si Bautista noong Biyernes kung saan kanyang hiniling ang pagpapalabas ni Tulfo ng public apology at pagdo-donate ng tig-300,00 piso sa mga binanggit niyang institusyon.
Nag-ugat naman ang gulo nang murahin ni Tulfo, pagbantaan na sasampalin at ingungudngod sa palikuran si Bautista matapos itong tumangging magpaunlak ng panayam.