Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi siya masaya bilang Presidente.
Ayon kay Duterte, kahit noong panahon pa lang ng kampanya ay alam na niya ang malaking problemang kakaharapin niya tulad na lang ng iligal na droga, kriminalidad at terorismo.
Ipinagmalaki naman ng Presidente na sa lahat ng mga kandidato na tumakbo sa pagka-Pangulo ay siya lang ang naglakas-loob na talakayin ang suliranin sa Mindanao.
Sa kabila nito, inamin ng Pangulong Duterte na hindi niya inaasahan na ganoon kalakas ang mga teroristang nakapasok sa rehiyon.
Muli ring nangako ang Pangulo na susugod siya sa Marawi City para ipakita ang solido niyang suporta ang tropa ng pamahalaan.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Duterte