Posibleng ang Japan na ang huling bansang pupuntahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang punong ehekutibo
Ito ang pagpapahiwatig ng Pangulo sa kaniyang pagbabalik bansa mula sa napaikli niyang biyahe sa Russia
Ayon sa Pangulo, napapagod na siya sa mahahabang biyahe at hindi na aniya kinakaya ng kaniyang katawan
Bagama’t hindi idinetalye ng Pangulo ang layunin ng kaniyang pagbisita ruon, sinabi ng Pangulo na kinakailangan niyang bisitahin ang Japan at inaasahang dadaluhan nito ang isang conference mula Hunyo 5 hanggang 7.
By: Jaymark Dagala