Hindi na magbabago si Pangulong Rodrigo Duterte.
Ito ang inihayag ng Malakaniyang matapos magbabala ang Commission on Human Rights (CHR) kaugnay sa umano’y “sexist and misogynistic” na mga biro ng Pangulo kung saan itinuturing umanong uri ng karahasan sa mga kababaihan.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi dapat binibigyan masyado ng kahulugan ang mga biro ng Pangulo.
Giit ni Roque, ganoon lang talaga ang Pangulo at walang malisya ang kaniyang mga biro hindi na rin umano ito magbabago lalo’t siya ay higit 70 anyos na.
Magugunitang nagbiro ang Pangulo sa post-typhoon briefing tungkol sa mga babae na binatikos ng mga kritiko nito.