Hindi obligado ang Pangulong Rodrigo Duterte na ipagbigay-alam sa sambayanan na may sakit sya kung hindi naman seryoso at nagagampanan pa rin nya ang kanyang mga tungkulin bilang pangulo.
Pahayag ito ni Justice secretary Menardo Guevara sa harap ng mga balita na na-ospital ang pangulo, bagamat pinabulaanan na ito ng Malacañang.
Ayon kay Guevarra, ino-obliga ng konstitusyon ang pangulo ng bansa na isapubliko ang kanyang kalagayan kung seryoso o malala ang lagay ng kanyang kalusugan.
Gayunman, kung ang sakit anya ay hindi naman nakakasagabal sa kanyang trabaho bilang pangulo, nananatili pa rin ang right to privacy ng pangulo at hindi sya obligadong magbigay ng medical bulletin sa taongbayan.