Umalma si ASEAN 2017 Director General for Operations Ambassador Marciano Paynor sa punang malamya ang ilalabas na ASEAN statement hinggil sa South China Sea dispute.
Sinabi ni Paynor na asahan nang magiging patas at para sa interes ng lahat ang itutulak ng Pangulong Rodrigo Duterte sa ASEAN Summit taliwas sa sinasabing pro-China ang posisyon nito.
Hindi aniya confrontational o palaban ang istilo ng Pangulo kundi paghahanap ng pinakamainam na solusyon sa problema.
Una nang lumabas ang draft ng chairman’s statement kung saan hindi binanggit sa arbitral ruling laban sa China.
By Judith Larino