Hindi panghihimasukan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kinakaharap ng Commission on Elections matapos ulanin ng reklamo dahil sa mga pumalyang vote counting machine o VCM.
Sa kanyang pagharap sa mga miyembro ng media pagkatapos niyang bumoto sa Davao City, sinabi ng pangulo na isang independiyenteng komisyon ang COMELEC kaya’t hahayaan muna niyang makapagpaliwanag ito sa publiko.
Magugunitang, sa pagbubukas pa lamang ng botohan kahapon ay inulan na ng reklamo mula sa mga botanteng nakaranas ng palyadong VCM.
“Comelec is an independent body and if there’s any malfunction there or if there’s any aberration at all in the procedure of processing in the conduct of the election, let Comelec explain first to the people before we even initiate the result of the investigation.”