Bumuwelta si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko partikular na kay Senadora Leila de Lima.
Kaugnay ito sa banta ni De Lima na posibleng maharap sa impeachment ang Pangulo dahil sa ginawa nitong pagtatanggol sa mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera Mayor Rolando Espinosa Sr.
Magugunitang binigyang diin ng senadora na isang uri ng betrayal of public trust ang ginawang iyon ng Pangulo dahil kinukonsinte pa umano nito ang mga criminal.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
Kasunod nito, hinamon ng Pangulo ang mga kritiko nito kabilang na si De Lima na ituloy ang pagsasampa ng impeachment laban sa kanya at hindi niya ito hahadlangan.
Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By Jaymark Dagala | Aileen Taliping (Patrol 23)