Hindi uubrang i-audit ng Pangulong Rodrigo Duterte ang commission on audit kahit pa manalo itong vice president sa 2022 national elections.
Ito ayon kay Senador Nancy Binay ay dahil hindi naman kasama sa mga kapangyarihan at tungkulin ng Bise Presidente ang pag o-audit.
Sinabi ni Binay na bilang anak ng dating Vice President, ang nasabing kapangyarihan ay itinalaga lamang sa COA kayat hindi magagawa ng Bise Presidente ang pag o-audit sa mga ahensya ng gobyerno.
Gayunman, inihayag ni Binay na naiintindihan niya kung saan nanggagaling ang Pangulo matapos ding ilabas ng COA ang umano’y overpriced purchase ng equipment ng ospital ng makati nuong 2000 at 2001 kung kailan alkalde ng lungsod ang inang si Dr. Elenita Binay.