Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na magpasa ng batas para sa pagpapaliban ng nakatakdang barangay at sangguniang kabataan elections sa susunod na taon.
Sa kanyang ika-apat na SONA o State of the Nation Address, inihayag ni Pangulong Duterte na dapat i-urong sa October 2022 ang Barangay at SK Eeections sa halip na May 2020.
Ayon kay Pangulong Duterte, sa ganitong paraan aniya mabibigyan pa ng panahon ang mga kasalukuyang opisyal ng barangay at SK na maipagpatuloy at matapos ang kani-kanilang nasimulang proyekto.
Kasabay nito, isinusulong din ng pangulo ang pagsasabatas ng magnacarta for barangays.
“Congress has to postpone the May 2029 election to rectify the terms. Paiba iba na eh. The terms of seating barangays but also provide them the ample time to finish the programs and projects. I suiggest also Congress would enact magna carta for barangays.” — Bahagi ng SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte