Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte na magpabakuna na ang lahat ng residenteng apektado ng bagyo sa Siargao.
Ayon kay Duterte kahit na zero COVID case ang Siargao mahalaga pa rin ang bakuna, bilang ito ang pangunahing pinagkukuhanan ng proteksyon.
Kasabay ng panawagan ng Pangulo, ipinangako nitong maibibigay ng pamahalaan ang karampatang tulong para sa mga biktima ng kalamidad sa lugar.
Matatandaang sinabi ng Pangulo na maglalaan ng 10 bilyong pisong pondo ang pamahalaan pangtulong sa mga residente.—sa panulat ni Joana Luna