Nasa Hong Kong na ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte upang bisitahin ang mga kababayang Pilipino sa nasabing bansa.
Ito’y bago tumulak ang Pangulo sa Beijing, China para naman dumalo sa Belt and Road Forum for International Cooperation gayundin ang pagsisimula ng bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at China sa territorial dispute sa West Philippine Sea.
Una rito, hinimok ni Pangulong Duterte ang mga bansang kasapi ng ASEAN o Association of Southeast Asian Nations na mamuhunan sa mga kabataan at dapat magkaisa ang lahat ng bansa sa kampaniya kontra sa iligal na droga
Sa pagbubukas ng WEF o World Economic Forum on ASEAN sa Cambodia, iginiit ng Pangulo na tanging sa isang lipunang malaya mula sa iligal na droga tunay na makakamit ang ganap na kaunlaran at kapayapaan.
PAKINGGAN: Bahagi ng talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa WEC
By Jaymark Dagala
*AP Photo