Hinihimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang iba pang miyembrong bansa ng International Criminal Court (ICC) na kumalas na rin dito katulad ng kanyang naging pasya.
Sa kanyang talumpati sa pagdalo sa graduation ng Philippine Militar Academy Class 2018, sinabi na makabubuti kung umalis na rin ang ibang miyembro ng ICC dahil walang respeto aniya ito.
Tinawag ring isang kriminal na batas ni Pangulong Duterte ang Rome Statute na bumuo ICC.
Muling iginiit pa ng Pangulo na walang hurisdiksyon sa kanya ang ICC dahil malinaw na labag sa batas ang Rome Statute dahil hindi ito nailathala sa anumang publication matapos lagdaan ng dating Pangulo at ratipikahan ng Kongreso.
—-