Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kongreso na agarang ipasa ang panukalang batas na bubuo sa isang departamento na tututok sa pagtugon sa mga reklamo at hinaing ng mga Overseas Filipino Workers (OFWs).
Ayon sa pangulo, masyado nang malaki ang sakop ng Department of Labor at kailangang mayroong ahensyang magpo-pokus lamang sa mga overseas worker.
Ikinukunsidera din ng pangulo ang pagbuo ng bukod pang ahensya para naman sa maritime o mga seafarers.
Marso nang aprubahan ng House of Representative ang panukalang batas na nag-aatas na buuin ang Department of Filipinos Overseas and Foreign Employment.
Nakasaad sa panukala na tungkulin ng ahensya na magplano, makipag-ugnayan, manguna at magpatupad ng mga polisiya na magbibigay proteksyon at kung saan mababantayan ng husto ang mga Pinoy na nagtatrabaho sa ibayong dagat.