Hinikayat na rin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Mayor at Barangay Chairman na tukuyin at hanapin na ang mga residenteng hindi pa bakunado kontra COVID-19.
Ayon kay Pangulong Duterte, dapat gawin ng mga Local Chief Executive ang lahat upang mahimok ang kanilang mga constituent na magpabakuna.
Ito, anya, ay upang makamit ang target na 50 milyon COVID-19 jabs sa katapusan ng taon.
Nagbabala naman ang Pangulo sa mga local chief executive sakaling mabigo.—sa panulat ni Drew Nacino