Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na magpaturok na ng booster shot.
Sa Talk to the People kagabi, sinabi ng pangulo na isinawalat ng Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 (NTF), ang mababang booster rate sa eligible population.
Una rito, sinabi ng DOH na nasa 29% o 9.7 million ng 33.5 milyong kwalipikadong indibidwal ang nakatanggap na ng booster dose.
Iginiit rin ng punong ehekutibo na napatunayan nang ligtas at epektibo ang mga bakuna kontra COVID-19.