Patuloy ang mahigpit na paghimok ng Pangulong Rodrigo Duterte sa taumbayan para magpabakuna.
Sa ‘Resbakuna kasangga ng bida’ campaign ng DOH binigyang diin ng Pangulong Duterte na bakuna lamang ang tanging paraan upang malabanan ang COVID-19 pandemic.
Iginiit ng Pangulo sa naturang infomercial na dapat tandaan na ang bakuna ay hindi lamang magbibigay proteksyon sa bawat isa kundi maging sa mga mahal sa buhay lalo na ang mga may sakit at nakakatanda.
Susi rin aniya sa partisipasyon sa resbakuna aksangga ng Bida campaign para ganap na mabuksan ang ekonomiya at maibalik sa normal ang pamumuhay.
Tiniyak ng Pangulo na ginagawa ng gobyerno ang makakaya nito para mahusay na ma protektahan ang taumbayan laban sa COVID-19 hanggang malampasan ang krisis na ito.