Hinimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang sambayanan na magkaisa para sa paggunita ng 32nd anniversary ng Edsa People Power Revolution ngayong araw ng Linggo, Pebrero 25.
Ayon kay Pang. Duterte, dapat na gunitain ng mga Pilipino ang 1986 EDSA Revolution dahil sumisimbolo ito ng tunay na pagkakaisa at determinasyon ng bawat Pilipino upang protektahan at ipaglaban ang demokrasya.
Umaasa ang Pangulo na magsisilbing inspirasyon ang 1986 uprising upang makamit ang matagal nang inaasam na tunay na pagbabago at pag-unlad ng bansa.
Nanawagan pa ang punong ehekutibo sa taumbayan na patuloy na ipaglaban ang demokrasya at kalayaan na atin ngayong tinatamasa.
Posted by: Robert Eugenio