Hinimok ni National Democratic Front of the Philippines (NDFP) Legal Counsel Atty. Edre Olalia si Pangulong Rodrigo Duterte na kausapin ang dati nitong propesor na si CPP Founder Jose Maria Sison.
Naniniwala si Olalia na sa ganitong hakbang ay posibleng maisalba pa ang negosasyong pangkapayapaan sa pagitan ng pamahalaan at mga rebeldeng komunista.
Sinabi ni Olalia na sa ngalan ng malinis na intensyon, matagal na pagkakaibigan at relasyon bilang estudyante at guro ay posibleng mabago ang desisyon ng pamahalaan na itigil na ang usapang pangkapayapaan.
Ngayong araw ay ipinagdiriwang ni Sison ang ika-78 kaarawan nito na maaari aniyang gamiting pagkakataon ng Pangulong Duterte upang batiin at maka-usap ang CPP Founder.
By Ralph Obina