Humingi ng dispensa si Pangulong Rodrigo Duterte sa may ari ng Mighty Corporation na si Alex Wong Chu King.
Ito’y makaraang kasuhan ng Bureau of Internal Revenue ng 9.5 Billion Peso Tax Evasion case sa Department of Justice ang negosyante dahil sa paggamit ng pekeng stamps.
Ayon kay Pangulong Duterte, kung siya lang ang masusunod, magpapa-areglo na lamang siya kay Wong Chu King ng 3 Billion Pesos para sa pagpapatayo ng ospital sa Jolo, Sulu at Basilan maging ang pagpapaayos sa Mary Johnston hospital sa Tondo, Maynila.
Gayunman, na-over rule umano ang kanyang desisyon ni Finance Secretary Carlos Dominguez.
Ipinauubaya na ng Presidente sa kanyang financial managers ang disposisyon hinggil sa kaso ni King dahil higit na sila ang naka-aalam kung ano ang nararapat para sa interes ng gobyerno at ng mga Pilipino.
By: Drew Nacino