Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang kaibigang si Davao Del Norte 1st District Representative Pantaleon Alvarez sa pagpapatalsik nito sa puwesto bilang House Speaker noong isang taon.
Sa kanyang talumpati sa proclamation rally ng mga PDP-Laban candidate sa San Jose Del Monte City, Bulacan, aminado si Pangulong Duterte na ikinalungkot niya ang nangyari kay Alvarez.
Ayon sa Punong Ehekutibo, sadyang hindi niya napigilan ang balak ng anak na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio na patalsikin ang kaibigang kongresista.
“Ako gusto kong anti-dynasty pero di ko kaya si Inday (Sara) sa totoo lang. Siya nag di-dictate eh,… alam mo, magkaibigan talaga kami ni speaker (Alvarez) noon pa but I’am very sorry that it had happened but si Inday (Sara), di ko yan siya kaya, sa totoo lang. Alam mo kasi, kaming mga tatay, ayaw namin makipag-ano, lalo na kung ang anak ay babae.” Pahayag ni Pangulong Duterte
—-