Humingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa gobyerno ng Kuwait dahil mga masasakit na salitang nasabi niya sa gitna na rin ng hindi pagkakaunawan ng Pilipinas at ng nasabing bansa.
Sa kanyang naging talumpati bago tumulak patungong South Korea, sinabi ni Pangulong Duterte na resulta lamang ng matinding emosyon ang mga hindi magagandang salitang nasambit niya laban sa Kuwait.
Kasabay nito, pinasalamatan ni Pangulong Duterte ang Kuwaiti government sa pag-apruba nito sa lahat ng nilalaman ng inilatag na memorandum of agreement ng Pilipinas hinggil sa karapatan ng mga Filipino workers doon.
Nag-ugat naman ang hindi pagkakaunawaan ng dalawang bansa matapos na matagpuan sa loob ng freezer sa isang abandonadong apartment sa kuwait ang bangkay ng OFW na si Joanna Demafelis.
Gayundin, nang hindi magustuhan ng Kuwaiti government ang isinagawang rescue operations ng embahada ng Pilipinas sa dalawang distressed OFW sa nasabing bansa.
This is the first time that I would say that I was harsh in my language, maybe that was because a result of an emotional outburst, that I would like to apologize. I’m sorry for the language that I was using. I am very satisfied by the way you responded to the problems of my country. Pahayag ni Pangulong Duterte
Pangulong Duterte, nakatakdang makipag-pulong kay South Korean President Moon Jae In
Nakatakdang pag-usapan ng nila Pangulong Rodrigo Duterte at South Korean President Moon Jae In ang isyu sa Korean peninsula bilang bahagi ng pagpapa-angat sa antas ng kooperasyon nito sa iba pang mga bansa sa Silangang Asya.
Iyan ang inihayag ni Philippine Ambassador to South Korea Raul Hernandez kasabay ng tatlong araw na official visit doon ng pangulo mula kahapon hanggang bukas, araw ng Martes.
Ayon pa kay Hernandez, bibigyang diin din ng Pangulo kay President Moon ang kahalagahan ng pagpapalakas sa ugnayan ng Pilipinas at South Korea sa aspeto ng defense and security, trade and investment gayundin ang political cooperation.
Bago umalis ang Pangulo sa bansa nitong Sabado, tiniyak nito na magiging mabunga ang kaniyang biyahe sa naturang bansa at nagpasalamat din siya sa mga Pilipinong naroon sa kanilang ambag para mapaigting ang relasyon ng dalawang bansa.