Humihingi ng paumanhin si Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko hinggil sa nangyaring paghiwalay ng bagon ng MRT kamakailan.
Ayon sa Pangulo, kung sakaling totoo man na may nangyaring pananabotahe sa naturang insidente hindi ito dahilan upang sabihing walang pananagutan sa publiko ang ahensyang namamahala dito.
Malaking abala aniya sa publiko ang nangyaring ito sa MRT kayat nararapat laman na humingi ng paumanhin sa mga mananakay nito.
Ngunit giit ng Pangulo, hindi nya inaalis ang anggulong posibleng intensyon o may pananabotahe talagang nangyari dahil sa biglaang pagkawala ng black box kayat nagkahiwalay ang bagon.