Humingi ang Pangulong Rodrigo Duterte ng sapat na panahon sa mga taga-Mindanao para makabuwelo at para maiabot ang tulong sa kanila.
Aminado ang punong ehekutibo na hindi masyadong naaasikaso ang ilang lugar sa Mindanao tulad ng Basilan kaya’t nangako itong magpapatayo ng bagong ospital at mga paaralan sa sandaling makahiram ito ng pera mula sa ibang bansa.
Matatadaang binisita ng Pangulo ang Lamitan, Basilan upang kausapin ang mga taga-basilan.
By: Avee Devierte / Aileen Taliping