Kasado na ang virtual meeting ngayong hapon ni Pangulong Rodrigo Duterte at Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID).
Ito ay matapos magpositibo muli sa COVID-19 si DILG Secretary Eduardo Año.
Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na kailangang mapangalagaan ang kalusugan ng Pangulo na sasalang naman din sa isang televised address mamayang gabi.
Ipinabatid ni Roque na nasa perpetual isolation ang Pangulong Duterte na maya’t maya ay isinasailalim naman sa RT PCR tests.
Ang Pangulong Duterte ay umuwi ng Davao City noong August 3 o bago ang ipinatutupad na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Laguna, Cavite at Rizal.