Isiniwalat ni Pangulong Rodrigo Duterte na galing kay dating Pangulong Fidel Ramos ang listahan ng mga opisyal na umano’y sangkot sa illegal drug trade.
Sa harap ng Filipino community sa Laos, iginiit ni Duterte na ang listahan ay ipinakita sa kanya ni Ramos noong kinukumbinsi pa lamang siya nito na tumakbo sa halalang pampanguluhan noong nakaraang taon.
Ayon sa Pangulo, partikular na nasa listahan ni Ramos ang mga heneral na sinasabing dawit sa iligal na droga.
Una nang isinangkot ni Duterte sa illegal drug trade ang ilang matataas na opisyal ng PNP, mga local officials, at gayundin si Senator Leila de Lima.
By Jelbert Perdez