Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo siya bilang pangalawang Pangulo sa susunod na eleksiyon kung ito’y nangangahulugan ng pagkakaroon niya ng legal immunity.
Sa kanyang talumpati sa ginanap na national assembly ng PDP-Laban sa Royce Hotel and Casino sa Pampanga, sinabi ni Duterte na alam niyang plano ng kanyang mga kritiko na kasuhan siya pagkatapos ng anim na taon niyang termino sa susunod na taon.
Matatandaang ilang beses na ring ipinagtanggol ng mga kaalyado ng Pangulo ang posibleng pagtakbo niya sa Vice Presidential election dahil hindi naman umano ito ipinagbabawal ng saligang batas.