Idineklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na ‘Philippine Film Industry month’ ang buwan ng Setyembre kada taon.
Sang-ayon sa proclamation 1085, ang mga aktibidad at programa sa Philippine Film Industry Month ay pangungunahan ng Film Development Council of the Philippines (FDCP).
Kasunod nito, inatasan ng punong ehekutibo ang mga ahensya ng pamahalaan, at mga unibersidad at kolehiyo, maging ang mga LGU’s at pribadong sekto na makipagtulungan sa FDCP para ikampanya ang mga aktibidad at programa na gagawin tuwing ipinagdiriwang ang film industry month.
Mababatid na nakasaad sa naturang proklamasyon na ang naturang hakbang ay paraan para bigyang pahalaga at pagkilala ang mga stakeholders dahil sa hindi nito matatawarang kontribusyon sa film industry.