Dapat masuring mabuti ang background ng customs broker na si Mark Taguba na siyang nagdadawit kay Davao City Vice Mayor Paolo “Pulong” Duterte sa umano’y anomalya sa Bureau of Customs o BOC.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, kailangang matukoy ang kredibilidad ni Taguba gayundin ang akusasyon nito na nakabatay sa matitibay na ebidensya at hindi bunga ng tsismis o alingasngas lamang.
Kasunod nito, tiniyak ng Palasyo na hindi makiki-alam si Pangulong Rodrigo Duterte sa usapin at hahayaan nitong lumabas ang katotohanan sa mga isinasagawang imbestigasyon.
Samantala, sa kaniya namang talumpati sa pagpapasinaya ng solar power plant sa San Jose Batangas kahapon, tila ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang panganay na anak na nakakaladkad sa kontrobersiya.
PAKINGGAN: Bahagi ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte
By: Jaymark Dagala / (Ulat ni Aileen Taliping)
SMW: RPE