Idinepensa ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang pagmumura sa harap ng publiko.
Sa kanyang talumpati sa 7th Union Asia Pacific Regional Conference sa Pasay City, iginiit ng pangulo na walang masama at hindi krimen ang magmura.
Sinabi ng pangulo, hindi siya nag-aral ng statemanship o ang paraan ng paghaharap sa publiko.
Kung meron aniyang kurso hinggil dito sa bansa, posibleng nag-enroll siya para maayos ang kanyang pagkilos.
Dagdag ni Pangulong Duterte, maituturing na kabilang na sa lenggwahe ng mga alkalde lalo na sa Mindanao ang pagmumura para mapasunod ang kanyang mga nasasakupan.
Binigyang-diin din ng pangulo na maging sa mga pelikula ginagamit ang mga mura.