Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang programa ng kanyang administrasyon sa ginanap na ika-31 special session ng United Nations General Assembly sa gita ng nagpapatuloy na banta ng COVID-19 virus.
Sa taped video message ni Pangulong Duterte, dinipensahan nito ang pagpapalawig ng pinatutupad na lockdown sa bansa.
Pagdiin ng pangulo, prayoridad pa rin ng administrasyon ang kaligtasan ng bawat mamayan nito, kaya’t ipinatutupad ang lockdown para mapabagal nito ang pagkalat ng virus.
Our first priority is to strengthen the capacity of health systems. Without the cure and vaccine, we can only delay the spread of the disease. Services and products must be accessible to the most vulnerable. ani Duterte
Kasunod nito, iginiit ni Pangulong Duterte na dapat magkaruon ng universal access sa ligtas at epektibong bakuna kontra COVID-19.
There should be universal access to safe and effective COVID-19 vaccines. If any country is excluded, this is gross injustice and this will haunt the world for a long time and it will discredit values on which the UN is founded. ani Duterte