Wala sa posisyon si Pangulong Rodrigo Duterte na imbestigahan ang mga miyembro ng kamara umano’y may ginagawang katiwalian sa mga proyekto sa kani-kanilang nasasakupang distrito.
Ito ang iginiit mismo ni Pangulong Duterte sa kanyang lingguhang ulat sa bayan.
Ayon sa Pangulo, kung wala siyang hurisdikyon sa mga naturang mambabatas at wala rin siyang kapangyarihan na isapubliko ang pangalan ng mga ito.
Sinabi ni Pangulong Duterte na kanya na lamang isusumite sa office the ombudsman ang mga nakalap na ebidensiya ng korapsyon ng Presidential Anti-Corruption Commission laban sa ilang kongresista.
Kaugnay nito, itinanggi ng pangulo na dumidistansiya lamang siya sa usapin o kaya ay mayroong pinagtatakpan.
Now whether i-mention ko ang pangalan o hindi, I am not trying to wash my hand, I am obeying the law if I cannot investigate the congressmen or itong mga kick-back nila then I have no authority to be released their names per investigation by the fact, itapon ko rin iyan doon sa ombudsman, because they are the only investigating agency that’s jurisdiction over congressmen,″ pahayag ng Pangulo.