Ikakasa na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang depensa sa pagharap sa International Criminal Court o ICC sa sandaling bumalik sa Davao City.
Sa kanyang talk to the people kagabi, aminado si Pangulong Duterte na isa anyang senyales ng kanyang pagbabalik sa Davao at pagreretiro sa pulitika ang bahagyang pagbaba ng kanyang satisfaction rating.
Sa kabila nito, iginiit ng Punong ehekutibo na hindi pa rin siya makikipag-tulungan sa ICC na nag-i-imbestiga sa drug war ng Pilipinas.
Minaliit din ni Pangulong Duterte ang kapangyarihan ng ICC dahil wala umano itong hurisdiksyon sa judicial system ng Pilipinas.—sa panulat ni Drew Nacino