Hindi nagustuhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pahayag ng ilang kritiko na nagsasabing walang sapat na oras para gunitain ang paglaya ng Marawi City sa 3 taong paglagi ng mga teroristang grupo gaya ng Maute group at ISIS.
In the meantime itong mga tao na nagrereklamo , ang sabi there is no liberation of Marawi yet, look government liberated Marawi not from the of people of Marawi, we do not do that and we will never did it.” ani Pangulong Duterte
Sa lingguhang ‘ulat sa bayan’ ng pangulo, sinabi nito na hindi mabilis ibalik sa dati ang Marawi City lalo’t naging malaki ang pinsala rito matapos na pag-harian ng mga terorista, kaya’t kinakailangan aniya ng sapat na panahon ng rehabilitasyon dito.
Paliwanag pa ng Pangulo, isa sa halimbawa ng problema rito, ay iyong mga titulo ng lupang pagtatayuan ng relokasyon ng mga residenteng naapektuhan ng nangyaring giyera.
Kung kaya’t igniniit ng Pangulo na pinalaya ng pamahalaan ang Marawi City sa kamay ng mga teroristang grupo at hindi sa mga residente nito.
We liberated Marawi against the terrorist the Maute pati ISIS yun ang nangyari diyan, you are using the word liberation we never said that it is occupied by anybody, except by the government and the rest of the Filipino.” pahayag ni Pangulong Duterte