Nilinaw ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi hawak ng pamahalaan o ng sinomang opisyal ng gobyerno ang perang inutang ng Pilipinas para ipambili ng bakuna kontra COVID-19 .
Ito ang inihayag ng Pangulo sa kanyang ulat sa bayan kagabi, Marso 22, kung saan binanggit nito na nasa world bank pa ang inutang na pera ng bansa at ito na mismo ang magbabayad sa manufacturer ng bakuna oras na mai-deliver na ito sa bansa.
The money is in the hands of the bank, and they collect yung nagpabili sa atin ng bakuna from the bank, hindi sa akin, hindi ang pumunta yan kay Sonny Dominguez na bubuksan niya ang drawer at ito na ang pambayad, pahayag ng Pangulong Rodrigo Duterte”.
Dagdag ni Duterte, papel lamang ang hawak ng pamahalaan
‘yan po ay papel lang, you know if you are afraid of corruption let your mind go easy because these things are susceptible from anything. The money is in the hands of the bank, and they collect yung nagpabili sa atin ng bakuna from the bank, hindi sa akin, hindi ang pumunta ‘yan kay Sonny Dominguez na bubuksan niya ang drawer at ito na ang pambayad,” ani ng Pangulo.
Giit ng Pangulo na nasa taong bayan na ang desisyon kung sino ang nais nitong paniwalaan.
Kung maniwala kayo sa kanila, sige bahala na doon na kayo, ngayon kung maniwala kayo sa amin na sinabi ni walang singko sentimos na hinahawakan po namin, it’s the bank who will pay, upon our advice na nadeliver na yung bakuna.Hindi tayo ang magpunta, sila thru paper work…Kung hindi pa po ninyo ‘yan maintindihan yan, I really do not know,”wika ng Pangulong Rodrigo Duterte.
Samantala,sinang-ayunan naman ito ni Finance Secretary Carlos ‘Sonny’ Dominguez at nilinaw na nasa higit 12 milyong piso pa lamang ang nasa kamay ng bansa.
Hindi po, nasa bangko pa kasi we will not withdraw yet kasi we will only withdraw when we pay why we should hold the money kasi magbabayad tayo ng interest…so di pa nadeliver, di pa due ang payment, we will keep it on the bank first, pero itong 12 and half million po nasa atin na ‘yan,” ani ni Dominguez.
Matatandaang ilang pahayag na ang binitawan ng Pangulong Duterte na wala ng pera ang bansa.— sa panulat ni Agustina Nolasco