Wala pang gamot laban sa Coronavirus disease (COVID-19).
Ito ang iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte, bilang tugon sa mga aniya’y bumabatikos sa umano’y mahinang pangangasiwa ng pamahalaan sa kaso ng COVID-19 sa bansa.
Sa kanyang lingguhang ulat sa bayan, iginiit ni Pangulong Duterte na sa ngayon ay palagiang pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng kamay at pagsunod sa physical distancing ang maaaring hakbang para makaiwas sa virus.
Aniya, hindi nagkulang sa pauli-ulit na paalala ang pamahalaan sa publiko bagama’t hindi rin maaaring pigilan nang pangmatagalan ang paglabas sa bahay ng mga tao.
Dagdag ni Pangulong Duterte, tanging bakuna lamang ang maaaring ganap makapipigil sa pagkalat o hawaan ng COVID-19.
Kayong mga critics hindi na handle ng gobyerno alam mo napaka-istupido talaga ninyo ang paglaban lang ng COVID-19 wash your hand tapos wearing mask and stay home ‘yan lang ang medisina hindi mabili sa botika ‘yan , ‘di mabili sa mga utak niyo…walang gamot sa hangin na yan,″pahayag ni Pangulong Duterte