Muling ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte si Health Secretary Francisco Duque III sa panibagong kontrobersyang kinakaharap nito.
Sa kanyang talk to the nation, ibinulgar ni Pangulong Duterte na dalawang beses tinangka ni Duque na magbitiw sa pwesto dahil sa kaliwa’t kanang issue kaugnay sa pagtugon ng gobyerno sa COVID-19 pandemic.
Gayunman, mananatili anyang kalihim ng DOH si Duque at hindi niya tatanggapin ang resignation nito.
Magugunitang inulan ng batikos ang Health Secretary matapos masilip ng Commission On Audit ang hindi umano tamang paggamit ng kagawaran sa P67.3 bilyon COVID-19 response funds.
Alam ko gusto mo na magresign pero alam mong tatanggihan kita, noon you have attempted to resign twice I expect you te say something to me kasi magresign ka , wala ka namang ginawang masama bakit ka magresign? Kung meron silang makita at the end when you find that there is nawala diyan mga P500 edi magdemanda kayo, punta ng Supreme Court, ” wika ni Pangulong Duterte.