Muling iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang magagawa sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo.
Ito’y sa gitna ng panibagong oil price increase na inilarga ng mga kumpanya ng langis ngayong araw.
Ayon kay Pangulong Duterte, hangga’t walang lokal na produksyon ng petrolyo ang Pilipinas ay mananatiling naka-asa ang bansa sa oil importation at walang control sa presyo nito.
“Alam niyo, ngayon wala tayong oil so everytime tataas yung oil, automatic, tataas lahat yan. Even if you… wala kayong magawa. Bitayin ninyo man ako, pag tumaas yung oil, tataas talaga yung presyo because everything that you see is a product of oil”.
Bagaman hindi anya biniyayaan ang Pilipinas ng langis gaya ng ibang bansa, mayroon namang mga lupaing dapat pang pagyamanin.
“Meron tayong lupa, balang araw, itong mundong ito, titingin sa mga bayan na may lupa na walang bagyo at ito yung Pilipinas. Dito sila maghanap ng pagkain nila at lahat na. If we could just cultivate every inch of the mountains.”