Wala naman talagang problema, ito ang lakas loob na ipinahayag ng Pangulong Duterte sa kanyang ulat sa bayan ngayong gabi kaugnay sa health capacity ng bansa gaya ng kakulangan sa hospital beds sa mga pagamutan.
There is really no problem ‘wag na masyado ano,ano yang mga lack of a material resources for example the beds nandyan yan and we can make a go for it, as long as many ang kailangan. I can even use the power of police the power of the state… Madali yan, hindi talaga problema ‘yan kung may Presidente kang may utak kung wala utak ay pasensya,″pahayag ng Pangulong Duterte.
Ayon sa Pangulo, huwag dapat masyadong matakot ang taong bayan dahil hindi naman walang-wala ang bansa.
Sa mga kababayan ko huwag kayong masyadong matakot, hindi naman talaga tayo walang-wala e’ we are not really at total loss… we know what to do ang marami lang dito ay maraming maingay…Maraming marunong and maybe everybody wants to be heard, probably there is no time to hear everyone we don’t have that luxury of time.
Matatandaang, ilang pasyente na ang napaulat na hindi na-admit sa ospital dahil sa kakulangan sa hospital beds o pwesto sa ospital dala ng pagtaas ng bilang ng tinatamaan ng COVID-19 sa bansa na dinadala sa ospital.—sa panulat ni Agustina Nolasco