Magsasagawa ng paunang review ang International Criminal Court o ICC sa war on drugs ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinabatid ito ni Presidential Spokesman Harry Roque matapos tugunan ng ICC ang isinulong na imbestigasyon ni Atty. Jude Sabio noong April 2017 sa anito’y crimes against humanity ng gobyernong Duterte.
Sinabi ni Roque na wini-welcome ng pangulo ang preliminary examination lalo na’t pagod na ito sa mga akusasyong nasa likod ng crimes against humanity.
Ayon pa kay Roque, kung kinakailangan ay ilalaban din ng pangulo ang kasong ito sa ICC.
Sen. Trillanes, tiniyak na matatauhan ang pangulo na hindi ito nangingibabaw sa batas
Samantala, posibleng ikayanig ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pasya ng International Criminal Court na magsagawa ng preliminary investigation sa kasong crimes against humanity laban sa kanya.
Ayon kay Sen. Antonio Trillanes, tiyak aniyang matatauhan at mapagtatanto ng pangulo na hindi siya nangingibabaw sa batas.
Giit ni Sen. Trillanes, panimulang hakbang pa lamang ang isasagawang preliminary investigation ng ICC para sa hinahangad na hustisya ng mga pamilya ng mga biktima ng human rights tulad ng extrajudicial killings.
Kaugnay nito labis na ikinatuwa ni Sen. Trillanes ang desisyon ng mga prosecutors ng ICC na magsagawa ng preliminary investigation sa kaso laban sa pangulo.
I welcome the ICC’s decision to conduct preliminary examination on Duterte’s crimes against humanity. This development should jolt Duterte into realizing that he is not above the law. More importantly, this is the first step for the victims’ families’ quest for justice.
— Sonny Trillanes IV (@TrillanesSonny) February 8, 2018