Inimbitahan ng Australia si Pangulong Rodrigo Duterte na dumalo sa commemorative summit na dadaluhan ng iba’t ibang lider sa Asya at gaganapin sa Sydney mula Marso 16 hanggang 18, taong kasalukuyan.
Ayon kay Australian Ambassador Amanda Gorely, naipadala na sa Malacañang ang formal invitation para sa Pangulo sa pamamagitan ng Department of Foreign Affairs o DFA.
Sinasabing ang imbitasyon ay pirmado ni Australian Prime Minister Malcolm Turnbull na una nang bumisita sa bansa noong Nobyembre 2017.
—-