Inakusahan ni Communist Party of the Philippines o CPP Founder Jose Maria Sison ang Pangulong Rodrigo Duterte nang pananabotahe sa peace talks ng gobyerno at CPP.
Sinabi ni Sison na simula November 18 ay tuluy-tuloy na ang pagsasalita laban sa CPP, NPA at NDFP kasunod ng mga insidente nang bakbakan ng magkabilang panig.
Ayon pa kay Sison sa walang humpay na pagsasalita ng Pangulo laban sa kanilang hanay, ipinapakita nito ang kulang, mababaw at depektibong kaalaman ni Duterte sa takbo ng peace talks.
Inihayag ni Sison na kahit walang ceasefire sa pagitan ng gobyerno at NDF, uubra naman sa pamamagitan ng negotiating panel na isumite ng Pangulo ang mga reklamo nito sa joint monitoring committee o JMC sa ilalim ng Comprehensive Agreement on Respect for Human Rights and International Humanitarian Law.
Sila aniya ay palaging nagsusumite sa JMC ng reklamo hinggil sa mga pglabag sa kaparatang pantao at international humanitarian law ng pulis at sundalo.
—-