Inalok ni Pangulong Rodrigo Duterte ng compromise ang kumpanya ng sigarilyong Mighty Corporation para hindi na ituloy ang mga kasong kinakaharap nito.
Ayon kay Pangulo Duterte, basta’t magbayad lamang ng Tatlong Bilyong Piso sa gobyerno ang Mighty Corporation ay hindi na itutuloy ang kasong economic sabotage at pamemeke ng Cigarrette Tax Stamp.
Gagamitin anya ang Tatlong Bilyong Piso para magpatayo ng ospital sa Sulu at Basilan maging sa pag-upgrade ng mga kagamitan ng Mary Johnston Hospital.
Kontrobersyal ngayon ang nabanggit na kumpanya matapos matuklasang gumagamit umano ng mga pekeng tax stamps at pinakakasuhan din ng Pangulo ang may-ari nito ng Economic Sabotage.
By: Drew Nacino / Aileen Taliping