Inamin ni Pangulong Rodrigo Duterte na humingi siya ng tulong sa Chinese counterpart na si Chinese President Xi Jin Ping para sa mga bakuna kontra COVID-19.
Sa lingguhang ulat sa bayan ng Pangulo, sinabi nito na siya’y tumawag kay Xi para sa usapin ng bakuna at hindi patungkol sa isyu ng West Philippine Sea.
Tumawag ako kay President Xi Jinping, sinabi ko kasi noong kasagsagan na ng COVID ng walang dumating, walang makapkap si Secretary (Carlito) Galvez (Jr.), sabi ko, ‘Mr. President (Xi), I would like to ask for your help until now Philippines is at a loss to get vaccines, sabi niya it’s okay we will help you, ganon lang wala namang sinabi kalimutan mo ang scarborough shoal bibigyan kita,”pahayag ng Pangulo.
Kung kaya’y binigyang diin ng Pangulo na hindi nito kailanman ipinagpalit ang anumang teritoryo ng bansa kapalit ng mga bakuna mula China.
Kasunod nito, nilinaw ng Pangulo na hindi masamang tumanaw ng utang na loob sa China pero hindi naman aniya ito nangangahulugang isusuko ng Pilipinas ang anumang teritoryo nito.
It is never wrong to admit a debt of gratitude but it would be wrong to use it as an excuse to maybe retreat. There will be no compromise. Alam ng China yan,maski bahain tayo dito ng vaccine , gagamitin ko pa rin, sasabihin ko,hindi ito kabayaran. Iba ito. This is Philippine national interest, this is not a health issue that nagpasalamat ako, “wika ng Pangulo.